Matandang crew na napaidlip sa taping sinabuyan ng tubig ni sikat na male star
SA isang napakalaking umpukan ng mga personalidad ay pinagpistahan ang mga ginagawang hindi kagandahan ng isang kilalang male personality. May kani-kanyang kuwento ang mga nandu’n.
Iba’t ibang senaryo ‘yun na naganap sa taping ng isang matagumpay na serye, ibang-iba ang takbo ng mga kuwentong narinig ng aming souce, nakagugulat.
Unang chika ng aming source, “Mahirap palang pakisamahan ang male personality na ‘yun! Ayaw niyang nagkakasayahan ang mga co-stars niya sa set!
“Ayaw rin niyang nakikitang nagkukuwentuhan ang mga crew, lalo na kung tawanan nang tawanan, pinagpapatayan niya ng bentilador!
“‘Yung isang matandang crew, inantok, kaya napaidlip habang break nila. Natural, matanda na ‘yun, madaling mapagod, pero nagtatrabaho pa rin!
“Nu’ng makita siya ng male personality, e, nagalit siya, sinabuyan niya ng tubig ‘yung matanda!
Maraming naawa du’n sa matanda, pero ano ba naman ang magagawa nila, e, di pati sila, pinag-initan nu’ng male personality?
“Kung pagod siya, e, kailangang pagod din ang lahat. Walang puwedeng mag-relax-relax, kailangang lahat sila, e, kumakayod sa taping!” kuwento ng aming impormnate.
Kapag ayaw pa palang sumalang ng bida sa isang eksena ay ang kanyang mga kasama muna ang sumasalang. Kapag gusto na niya ay kukunan uli ang eksenang kasama na siya, parang take two ‘yun, inuulit ang mga tagpo.
“Sa totoo lang, hindi na lang makapagreklamo ang mga kasamahan niya dahil sayang ang trabaho.
Inaasahan nila sa buhay ang sinusuweldo nila sa seryeng ‘yun. Pero marami silang gustong sabihin tungkol sa starring sa kuwento,” komento naman ng ikalawang source.
Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sino ang bumibida sa istoryang ito, sa totoo lang!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.