Boobs ni Rita Daniela agaw-eksena sa presscon ng ‘My Special Love’
AGAW-EKSENA ang boobs ni Rita Daniela sa presscon ng concert nila ni Ken Chan na “My Special Love: #Bobrey”.
In fairness, ang laki na ng ipinayat ng Kapuso singer-actress kaya naman mas naging pansinin ang kanyang malulusog na dibdib sa suot niyang blouse na bukas ang harapan kaya makikita mo na wala siyang suot na bra.
Kaya naman ang unang tanong namin sa kanya kung ano ang “ipinaglalaban” ng kanyang dibdib, “Sayang naman di ba? Kung meron naman i-share natin. Ha-hahaha! I-share talaga! No, ano lang po projection lang maiba lang.”
Sundot na tanong namin, kung tuluy-tuloy na ba ang pagpapaseksi niya, “Parang hindi naman po. Sa damit lang. Pero I’m open to more challenging and daring roles. Yung ginawa ko sa My Special Tatay, sana sa susunod mag-level up pa.”
Para naman kay Ken Chan, bilib siya sa tapang ng kanyang leading lady na mag-experiment sa kanyang career. Pero aniya, kung nagpapaseksi ang dalaga sa harap ng camera at kung aggressive ang tingin sa kanya ng mga tao, kabaligtaran daw ito ng tunay na Rita Daniela off cam.
“Tahimik lang yan sa likod ng mga camera, hindi siya loud or agressive tulad ng mga role na ginagampanan niya sa mga teleserye. Napakabait niyan and very sweet kaya nga ang lagi kong sinasabi hindi mahirap mahalin si Rita,” pahayag ni Ken.
Diretso namin silang tinanong kung nag-level up na ba ang special friendship nila after ng My Special Tatay – magdyowa na ba sila?
“Ito lang ang masasabi ko sa ngayon, girlfriend and wife material si Rita, nasa kanya talaga ang mga qualities ng isang babae na pwede mong mahalin. But for now, pareho kasi kami ng priorities ngayon ni Rita, work muna, focus muna sa career,” sagot ni Ken.
Mas nakilala pa raw ni Ken si Rita nang minsang magkausap sila habang nasa beach. At doon niya napatunayan kung gaano ka-deep ang dalaga sa mga pananaw niya sa buhay kaya mas lalo pa itong napalapit sa kanya.
Para naman kay Rita, “I see him in my life forever. Kasi now that I know his desires and plans for his life, nakaka-admire. And ang sarap mangarap kung ‘yung tao na ‘yun parehas din kayo ng gustong abutin.”
Na sinegundahan agad ni Ken, “Nakita namin ‘yung sarili namin sa isa’t isa. Ako kung may girl version ng sarili ko, it’s Rita.”
Destiny daw talaga ang pagsasama nila sa My Special Tatay. Kuwento ni Rita plano na niyang mag-quit noon sa showbiz nang alukin siyang mag-guest ng ilang araw sa serye.
“Really I was ready to say goodbye to my career here in the Philippines. I was ready to finish my contracts. I’ve set my plans in the future pero ito siya. It changed,” pahayag ni Rita.
May follow-up project na sina Ken at Rita sa GMA 7 pero bawal pang ikuwento. Sa ngayon todo na ang paghahanda ng dalawa para sa kanilang concert na “My Special Love: BoBrey” sa May 11 na gaganapin sa Music Museum.
Marami silang sorpresang inihanda para sa kanilang concert, isa na riyan ang production number ng ilang special kids na magpapakita ng kanilang talento sa concert.
“Tulad nga ng promise namin sa lahat ng sumuporta sa Special Tatay at sa mga nagmahal kina Aubrey at Boyet hindi lang namin tatapusin sa Special Tatay yung support namin sa autism awareness, forever na po ito,” pahayag ni Ken.
Makakasama rin nina Ken at Rita sa concert ang The Clash alumni na sina Jong Madaliday, Garrett Bolden at Anthony Rosaldo. Ito’y sa ilalim ng creative direction ni Mcoy Fundales at musical direction ni Marc Lopez.
For ticket inquiries, call lang sa Ticketworld, 891-9999 o sa Music Museum Ticketron, 721-0635.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.