ISA ka ba sa mga taong problemado dahil sa paulit-ulit na pag-atake ng acid?
Kabilang ka rin ba sa mga taong nakadepende sa mga antacid upang maibsan ang discomfort na dulot ng acid reflux sa sikmura?
Ang acid reflux ay isang kondisyon kung saan ang isang taong meron nito ay nakararanas ng pananakit ng tiyan, heartburn, madalas na pagdighay, pagkahilo at minsan ay pagsusuka.
Umaatake ito kung may nakakain na bawal tulad ng maaanghang na pagkain, maaasim, at mamantika. Maaari rin itong maramdaman kung hindi natutunawan, o wala sa oras ang pagkain, o di kaya naman ay dahil sa stress.
Karaniwan itong naga-gamot sa pag-inom ng antacid, ngunit sa dahilang ang kondisyong ito ay maaaring umatake nang paulit-ulit, madalas ay nagiging dependent ang isang tao sa pag-inom nito.
Pero huwag mabahala dahil may ibang paraan para labanan ang acid reflux:
1. Maaaring uminom ng isang baso ng maligamgam na tubig kung nakakaramdam ng pananakit o pangangasim ng sikmura. Ang tubig na iniinom ay makatutulong upang mapigilan ang pag-atake ng acid reflux.
2. Maganda ring uminom ng sabaw ng buko upang mabawasan ang acid na
naiipon sa sikmura. Ang pag-inom nito ay makatutulong din sa mabilis na pagtunaw ng kinain.
3. Mabuti rin ang pagkain ng pakwan dahil maraming tubig ito na makatutulong na labanan ang pag-atake ng acid refulx.
4. Mainam na pamalit sa antacid ay ang pagnguya ng chewing gum, pero tiyakin na hindi ito mint flavor. Ang laway na mabubuo sa pagnguya nito ay makatutulong upang mabawasan ang acid sa tiyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.