Viral na: Angel, Richard, Ian, Lloydie bilang Pinoy Avengers
PINUSUAN ng mga netizens ang viral artwork collection ng Pinoy graphic artist na si Glenn Paolo Villeza.
Ipinost niya sa Instagram ang ginawa niyang artwork ng mga Filipino celebrities kung sila ang gaganap sa mga Marvel superheroes.
Tinawang niyang “Mga Tagapag-higanti” ang kanyang Avengers-inspired art collection. Ilan sa mga ito sina Richard Gutierrez bilang Captain America, Angel Locsin bilang Black Widow, John Lloyd Cruz bilang Iron Man, Ian Veneracion as Doctor Stranger at marami pang iba.
Pumatok sa netizens ang artworks ni Glenn dahil na rin sa tagumpay sa takilya ng “Avengers: Endgame” na kumita raw ng P205 million sa unang araw nito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.