Kathryn iniwan ang shooting sa HK para sa b-day ni Daniel
BUMALIK talaga si Kathryn Bernardo sa Pilipinas para makasama sa 24th birthday salubong ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla nitong Huwebes.
Nag-break muna siya sa shooting ng movie nila ni Alden Richards sa Hong Kong para personal na batiin si DJ sa kaarawan nito kahapon.
Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Daniel dahil nakapiling niya ang girlfriend sa kanyang special day, base na rin sa mga litrato nila sa Instagram ng Star Magic.
Ang ilan pang celebrities na dumalo sa party ni DJ ay sina Ria Atayde, Dominic Roque, Igi Boy Flores at Donita Rose.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.