Beking comedian milyones ang TF kapag nag-concert abroad; produ laging lugi | Bandera

Beking comedian milyones ang TF kapag nag-concert abroad; produ laging lugi

Cristy Fermin - April 26, 2019 - 12:15 AM

PROBLEMA ng mga Pinoy producers sa iba-ibang bansa ang sobrang taas ng talent fee ng mga artista at singers na iniimporta nila.

Suwerte na lang talaga kung kumita nang maayos ang prodyuser, pero mas madalas ay lugi sila, hindi kinakaya ng ticket sales at sponsors ang gastos sa isang concert.

Kuwento ng isang show producer na nakausap ng aming source, “Mahirap makabawi. Mataas ang TF ng mga artista. E, ang mga Pinoy naman sa ibang bansa, isinisingit lang sa monthly budget nila ang panonood ng concert.

“Kapag minsan na nga nilang napanood ang singer, e, hindi na sila umuulit, gastos kasi ‘yun, malaking kabawasan sa kanila ang pambili ng ticket,” kuwento ng show producer.

Dahil sa katumalan ng mga producers na nagdadala ng mga artista sa ibang bansa ay may mga singers at artistang nagbawas ng kanilang presyo.

Kuwento ng aming source, “Kailangan nilang gawin ‘yun, dahil kung hindi, mawawalan sila ng raket sa iba-ibang bansa. Hirap bumawi ang mga producers, nalulugi sila, sino naman ang may gustong magpakahirap at mamuhunan nang wala naman pala silang kikitain?

“Matutulog na lang sila, di ba? Producer ka nga, pero lugi lang naman ang aabutin mo, bakit ka pa magpapakahirap kung wala naman palang kahihinatnan ang project mo?” umpisang kuwento ng chikadora naming impormante.

Mabibilang na lang sa daliri ngayon ang mga personalidad na patuloy pa ring nagso-show sa maraming bansa. Ayon sa source ay hindi ‘yun dahil sa bawing-bawi ang mga namumuhunan sa mga ginagawa nilang concert kundi dahil sa nagbawas sila ng talent fee.

“Ang totoo, e, nagbawas sila ng TF, sa management nila nanggaling ‘yun, kailangan nila talagang bawasan ang TF ng mga personalities, or else, wala na silang magiging shows sa ibang bansa!

“Tulad na lang ni ____ (pangalan ng isang sikat na gay performer-TV host), nagbaba siya ng presyo! Napakatindi naman kasi ng talent fee niya nu’n, ilampung milyon!

“Napakahirap bawiin ‘yun ng mga producers, kaya nu’ng magbaba siya ng TF, tuloy ang ligaya! Siya na lang yata ang iniikot ngayon ng mga producers sa pagso-show, mabenta naman kasi siya, saka madali nang bumawi ngayon, dahil nagbawas na siya ng TF!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang ganda-ganda kapag ganu’n, di ba? Parehong kumikita ang nagso-show at ang mga producers!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo pa kaya kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending