Aiko bumawi sa 2 anak, in-enjoy ang Holy Week day-off
NAGPAHINGA lang sa bahay nila si Aiko Melendez para makabawi ng lakas sa ilang linggo niyang pagsama sa pangangampanya ng boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun na kumakandidatong vice governor ng Zambales.
May plano sanang umalis ng bansa ang mag-iinang Aiko, Andrei at Marthena kasama ang mama niyang si Elsie Castaneda pero minabuti na lang nitong magpahinga para may lakas na naman siya sa mga natitirang araw bago ang eleksyon sa Mayo.
Sabi nga niya sa amin, “Ok naman ate Regs rest kami nag-ipon ng lakas at bonding sa family ko si Jay kasi tagal ko di nakita sila so ayun spend time ako sa kanila with jay ‘coz halos dito ako Zambales nakatira now.”
Masaya sina Aiko at Mayor Jay dahil ramdam nila ang init ng suporta ng mga taga-Zambales kahit na maraming pumupukol sa kanila. May gumawa ng litratong naka-Iron Man ang boyfriend na nakalagay na vice governor na ang turing kaya pinost ito ng aktres sa kanyang FB account.
Ang caption, “This is just too cute, not to post. Ang super hero pagdating sa pagtulong sa tao. Ang Iron Man ng Zambales, Di natitinag sa ano mang pagsubok at hamon ng buhay. Di mapagbagsak kahit ano mang panira ang gawin. Dahil nakatatak na sa puso ng tao ang mga nagawa at naitulong. Ang taong me puso sa mga tao.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.