SUMUSUMPA si Gabby Concepcion na never pa siyang na-in love nang sabay sa dalawang babae kahit noong kasagsagan ng kanyang pagiging matinee idol.
Natanong ang isyung ito sa award-winning actor sa nakaraang presscon ng bagong Kapuso primetime series na Love You Two kung saan mai-involve ang karakter niyang si Jake sa magkapatid na sina Raffy (Jennylyn Mercado) at Sam (Shaira Diaz).
During the question and answer, may nagtanong kung sino sa cast members ang nakaranas na ng magmahal sa dalawang tao at kung paano nila hinarap ang sitwasyon. Itinuro agad ng kanyang co-stars si Gabby para sagutin ang tanong.
“Excuse me, excuse me, iyon nga ang sasabihin ko, e! Wala akong karanasan diyan,” diin ng aktor kaya naghiyawan ang kanyang mga kasama sa serye kabilang na sina Clint Bondad, Solenn Heussaff, Nar Cabico, Yasser Marta at Michelle Dee.
“Hindi ba mga reporter kayo? Wala naman kayong nabalita tungkol sa akin. Ang buhay ko publiko. Ako na ang pinaka-intriguing personality palagay ko, mula nu’ng nag-umpisa ako last year,” birong pahayag pa ni Gabby.
“Hindi talaga, yung experience na yun, magkapatid? Alam ko meron sa showbiz ang ganun, di ba? Sino? Hindi ko nga alam, e. Pero alam ko lang,” makahulugan pang sabi ng aktor na ang tinutukoy nga ay ang kuwento ng Love You Two na nagsimula na kagabi sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.