Maine wala nang pakialam sa AlDub fans, mas labs si Arjo

By Alex Brosas April 23,2019
share this

Maine wala nang pakialam sa AlDub fans, mas labs si Arjo

By Alex Brosas April 23,2019
share this

BASH ang inabot nina Maine Mendoza at Arjo Atayde when photos of their vacation sa Bali, Indonesia surfaced on social media.

“Wag naman magpakita kung pwedi kyo na lang wag na ipost para kaming mga fans mo hindi masasaktan. Basta kami Alden (Richards) at Maine lang,” said one fan.

“Mga ibang artista tinatago ang lovelife para di masaktan ang mga fans pero c maine wala syang pakialam kung masaktan ang fans nya,” tili naman ng isang basher.

Pero higit na mas marami ang nagtanggol kina Maine at Arjo.

“It’s their life. We don’t even care what they’re doing. Karapatan nilang maging masaya. Wag na maging bitter sa sweetlife ng iba. Period.”

“Pakialam niyo ba? Buhay nila yan at yan ang ikakasaya nila. Hindi pwede utusan ang puso. Kung si Arjo ang gusto ni Maine. Edi go. Mahirap kaya makisama sa taong dimo naman mahal!”

“Mga tao talaga ngayun kung makapag control ng lovelife. Kailangan ba nila kayong sundin eh d nyo naman sila pinakakain. Anu ba paki nyo kung mag jowa yan sila. Wag kayong masyadong pabida na parang kayo ang nagmamay ari ng kaluluwa nila.”

“Hindi lahat ng magka love team nagka2tuluyan Yung iba hanggang trabaho lng talaga katulad ng aldub hanggang love team lng cla pero hindi itinadhana pra mhalin ang isa’t isa kaya hayaan na lang natin sina Maine at Arjo na mag mahalan.”

“Stop na please! Move on na kayong AlDub fans. Harapan na kayong sinasaktan ni Maine ayaw nyo pa ring tumigil? And besides talagang ipinamukha na niya sa inyong lahat na wala na kayong kuwenta ngayon dahil masaya na siya kay Arjo!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending