Beauty ayaw nang magpabuntis kay Mister; type magpasampal kina Sharon at Vilma sa serye | Bandera

Beauty ayaw nang magpabuntis kay Mister; type magpasampal kina Sharon at Vilma sa serye

Djan Magbanua - April 23, 2019 - 12:05 AM

MAS marami pa kaming na-discover kay Beauty Gonzalez nang bumisita siya sa “#ShowbizLive” program nina Ervin Santiago at Izel Abanilla sa Inquirer TV at Inquirer Bandera Facebook .

Una na nga riyan ang tungkol sa “sikreto” niya sa pagpapaseksi. Alam naman kasi ng lahat na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay medyo chubby siya.

Actually mas pumayat daw siya by practicing intermittent fasting. Kumakain lang siya sa pinaiiral niyang 8-hour window, na kadalasan ay gabi pa.

“I like to eat at night time. Hindi ako matakaw during the day pero pag gabi, lalo na pag galing akong taping para akong daga sa bahay. Nagkukutkut ako sa cabinet saka sa ref ko. Sinasabi nga ng asawa ko, ‘Para kang aswang diyan!'”

For Beauty, mas ramdam niya ngayon na mas mabilis siyang mag-memorize ng script at gumalaw dahil feeling niya ang gaan-gaan ng katawan niya.

Although busy sa pagiging artista hindi naman nakakalimutan ni Beauty ang mag-spend ng quality time kasama ang pamilya. Usually ang bonding nila ng kanyang asawa ay mag-travel kasama ang anak na si Olivia.

Sunod na tanong sa aktres kung susundan na ba nila ni mister si Olivia?

Diretsong sagot ni Beauty, hindi na. Ayaw na niyang mabuntis at manganak dahil mas gusto niyang ma-enjoy na nilang mag-asawa ang buhay.

“I wanna enjoy traveling ngayon habang kaya pa namin gumala and ang hirap naman kapag may isa ka pang bata na dala, so tama na sa amin ang isa,” ani Beauty.

Banggit pa ni Beauty, keri na ang duties niya ngayon bilang asawa, mom at siyempre ang pagiging artista, “I’m happy with Olivia. Just the three of us.”

Paano naman si mister, gusto pa ba niya ng isa pang anak? “Well a happy wife is a happy life!” sey lang ni Beauty.

Speaking of being a mom Beauty was asked by a netizen kung ano ang pinakamahirap na parte ng pagiging nanay?

“It’s up to you kung paano mo ite-take ang pagiging mom. It could be hard, it could be okay lang. It’s not easy, being a mom. It’s not easy but you know tayong mga mommy selfless tayo eh. Selfless ang love natin sa mga anak. So hindi siya hard kasi love, eh,” tugon ng aktres.

Another fact na nalaman namin ay malakas palang manampal si Beauty sa mga ginagawa niyang teleserye. Aniya, medyo may kalakasan nga siyang sumampal dulot na rin ng kanyang four years experience sa boxing at pagiging sporty.

Kaya siguro pumapatok ang mga “fight scenes” nila ni Dimples Romana sa seryeng Kadenang Ginto. Sa dalas nga raw ng sampalan scenes ay nasanay na sila ni Dimples.

“I’m so happy that Dimples is such a good actress. Kaya nagwo-work yung banter naming dalawa kasi binibigay niya yung best niya. Saka hindi naman magiging magaling yung bida kung hindi naman din magaling yung kontrabida,” sey pa niya.

Wish nga ni Beauty, sana raw ay magkaroon ng sariling award ang mga kontrabida dahil naniniwala siya na ang mga ito ang nagdadala sa mga bida.

Sa segment namang “Quickie Talk” ng “ShowbizLive” sinabi ni Beauty na pareho niyang gusto ang teleserye at pelikula, “Yan kasi ang ginagawa ko ngayon, sabay. Kapag gusto kong yumaman teleserye ako pero mas na-eenjoy ko ang movie.”

Para sa kanya ang top 3 sexiest men sa local showbiz ay sina Piolo Pascual, Gerald Anderson at Albert Martinez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dito inamin din niya na may nam-bully na sa kanya sa showbiz, “Oo. Alam mo na kung sino ka.”

Sa tanong kung sinong gusto niyang masampal o masabunatan sa teleserye o sa pelikula? “Gusto kong magpasabunot at magpasampal kina Vilma Santos at Sharon Cuneta.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending