Posibilidad ng mas malakas na lindol hindi inaalis ng Phivolcs

By Leifbilly Begas April 22,2019
share this

Posibilidad ng mas malakas na lindol hindi inaalis ng Phivolcs

By Leifbilly Begas April 22,2019
share this

HINDI inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang posibilidad na masundan ng mas malakas na lindol ang magnitude 6.1 na naitala ngayong araw.

Ayon kay Bart Bautista, Deputy Director ng Phivolcs, mayroong mga datos na nagsasabi na ang isang malakas na lindol ay precursor lamang ng mas malakas na lindol.

Inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng nasa 100 aftershock ang lindol na ito sa susunod na dalawang linggo.
Pinawi naman ng Phivolcs ang posibilidad na lumikha ng tsunami ang pagyanig na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending