‘Abyss’ nina Park Bo Young at Ahn Hyo Seop hahataw na | Bandera

‘Abyss’ nina Park Bo Young at Ahn Hyo Seop hahataw na

Bandera |April 21,2019
facebook
share this

‘Abyss’ nina Park Bo Young at Ahn Hyo Seop hahataw na

Bandera - April 21, 2019 - 12:25 AM

Park Bo young at Ahn Hyo Seop

KOREAN word of the week: “ Annyonghi gesey” – Sa Ingles ito ay “goodbye”, sa atin ay “paalam.”

 

Mapapanood na sa Mayo 6 ang upcoming fantasy drama ng magaling na aktres na si Park Bo Young at ang rising actor na si Ahn Hyo Seop na ‘Abyss’.

Naglabas na kamakailan ang tvN ng posters ng main cast ng Abyss.

Kwento ang Abyss ng dalawang tao na nabuhay muli sa tulong ng isang soul-surviving marble na tinatawag na ‘Abyss’.

Nabuhay naman ang dalawa na iba ang itsura at inatasan sila para hanapin ang pumatay sa kanila.

Gaganap si Bo Young bilang Go Se Yeon, isang napakagandang prosecutor na na-reincarnate bilang isang ordinaryong babae.

Magiging si Cha Min naman si Hyo Seop, isang napakayaman at perpekto sa lahat ng aspeto, maliban sa kanyang mukha, na isisilang muli ng may magandang mukha.

Makakasama rin nina Bo Young at Hyo Seop si Lee Sung Jae.

Nakilala nang husto si Bo Young sa kanyang lead roles sa hit films na Scandal Makers (2008), A Werewolf Boy (2012), On Your Wedding Day (2018) at ang mga K-drama na Oh My Ghost (2015) at Strong Girl Bong Soon (2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kabilang naman sa K-drama ni Hyo Seop ang My Father Is Strange (2017) at Still 17 (2018).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending