Park Bo Young bibida sa romcom na 'Abyss', wala pang napipiling ka-loveteam | Bandera

Park Bo Young bibida sa romcom na ‘Abyss’, wala pang napipiling ka-loveteam

|August 28,2018
facebook
share this

Park Bo Young bibida sa romcom na ‘Abyss’, wala pang napipiling ka-loveteam

- August 28, 2018 - 12:30 AM

KOREAN word of the Week: “Nado” – ang ibig sabihin nito sa Ingles ay “Me too.” Sa Filipino naman ay “Ako rin.” Madalas itong ginagamit kapag sang-ayon ka sa isang suhestiyon o pahayag.

q q q

Matapos ipalabas ang kanyang bagong romantic film na “On Your Wedding Day” noong Agosto 22, may nakapila ng bagong teleserye ang Korean actress na si Park Bo Young. Siya ang bibida sa Abyss.

Ito’y kuwento ng isang maganda at perpektong prosecutor at isang lalaki na kabilang sa 0.1 porsiyentong pinakapangit sa lipunan.

Nakatagpo sila ng isang magical pearl at muli silang ipapanganak, kung saan naging ordinaryo na lamang ang itsura ng babae at naging napakaguwapo naman ng lalaki.

Wala pang napipiling male lead actor na makakapareha ni Bo Young. Inaasahang mapapanood ang Abyss sa unang bahagi ng 2019.

Sumikat si Bo Young sa hit Korean rom-com na Strong Girl Bong Soon kung saan nakapareha niya ang sikat na Korean actor na si Park Hyung Sik. Napanood din siya sa series na na “
Oh My Ghost, kasama naman ang isa pang Korean star na si Jo Jung Suk.– Keizia Dominguez

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending