Tambalang Park Bo Young-Ahn Hyo Seop confirmed na

By Bandera February 12,2019
share this

Tambalang Park Bo Young-Ahn Hyo Seop confirmed na

By Bandera February 12,2019
share this

PARK BO YOUNG AT AHN NYO SEOP

KOREAN word of the week: “Orenmanida” – sa Ingles ito ay “Long time no see.” Sa atin naman ay, “Ang tagal nating hindi nagkita.”

Kumpirmado nang si Ahn Hyo Seop ang magiging leading man ng Strong Girl Bong Soon star na si Park Bo Young sa bagong fantasy romance K-series na Abyss.

Ang Abyss ay kuwento ng isang magical marble na may kapangyarihan ma-reincarnate ang kaluluwa ng mga namatay bilang bagong tao.

Gaganap si Hyo Seop bilang si Cha Min, ang napakatalinong tagapagmana ng numero unong cosmetics company sa Korea. Sa kabila ng kanyang yaman, insecure pa rin siya sa kanyang itsura.

Mapupunta sa kanya ang misteryosong marble na tinatawag na Abyss at mare-reincarnate siya bilang guwapong tagapamahala ng isang law firm.

Si Cha Min din ang magiging dahilan ng reincarnation ni Go Se Yeon (Bo Young) na isang magandang prosecutor na naaksidente.

Kabilang sa mga naging Korean series ni Bo Young ang hit romantic comedy na Strong Girl Bong Soon opposite Korean heartthrob Park Hyung Sik.

Napanood din si Bo Young sa hit series na Oh My Ghost kasama naman si Jo Jung Suk.

Tumatak naman sa mga manonood ang rising Korean star na si Hyo Seop sa kanyang pagganap sa Still 17 at My Father Is Strange kung saan siya kapwa itinanghal na Best New Actor.

Inaasahang mapapanood ang Abyss sa first o second qurater ng 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending