Edward napaamin nina Daniel at Robi, girlfriend na raw si Maymay

April 18,2019
share this

Edward napaamin nina Daniel at Robi, girlfriend na raw si Maymay

April 18,2019
share this

AKSIDENTE nga bang naamin ni Edward Barber ang tunay na estado ng relasyon nila ni Maymay Entrata on national TV?

Ito ang usap-usapan ngayon sa social media lalo na ng mga MayWard fans matapos umapir si Edward sa recent episode ng ABS-CBN streaming platform iWant’s live musical variety show ‘iWant ASAP’.

Sa pagtsitsikahan kasi ng binata sa mga co-stars niyang sina Robi Domingo, Daniel Padilla, Donny Pangilinan at Kyle Echarri onstage, natanong siya kung kumusta siya ngayon na wala sa tabi niya si Maymay.

Ano raw ang mga adjustments ang ginagawa niya habang nasa Hong Kong ang dalaga para sa shooting ng upcoming film nitong “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo?

“Mahirap din eh, ‘no,” ang singit na pahayag ng boyfriend ni Kath na si Daniel, whose girlfriend Kathryn.

Hirit naman ni Robi, “First of all, first time mo bang mawalay sa girlfriend mo?” Na agad namang sinagot ni Edward ng “Yes”. Kaya naman nag-trending ito sa social media at ikinakilig ng MayWard fans.

May mga netizens ang nagsabi na feeling nila ay matagal nang magdyowa ang dalawa pero bawal pang umamin. Meron namang nagsabi na baka nabigla lang si Edward sa tanong sa kanya kaya “yes” ang nasabi niya.

But of course, siguradong nagpipiyesta na ngayon pa lang ang kanilang supporters kung totoong sinagot na ni Maymay si Edward.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending