Dating matinee idol Jose Mari Gonzales pumanaw na sa edad 80
SUMAKABILANG-BUHAY na ang former matinee idol na si Jose Mari Gonzales. Siya ay 80 years old.
Kinumpirma ng kanyang anak na actress-politician na si Tacloban mayor Cristina Gonzalez Romualdez ang malungkot na balita.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Mayor Cristina ng mensahe tungkol sa pagpanaw ng ama. Aniya, “Goodbye Dad! You have been a Blessing to Mom me jolong mike anna chemari and to our whole family. I am blessed to have you as my father.
“So many good memories with you and Mom since we were little never failing to take us with you on your trips out of town.
“Being quite strict to us but within reason.
“I have learned so much from you. You will always be in our hearts! We love you Dad!”
Bago ito, sa pamamagitan din ng FB ibinalita rin ng veteran showbiz columnist at malapit na kaibigan ng pamilya Gonzales na si Aster Amoyo ang malungkot na balita.
Ayon sa kanya, nalagutan ng hininga ang aktor habang naka-confine sa Asian Hospital dahil sa pneumonia at cardiac arrest.
“Former Sampaguita matinee idol and politician Jose Mari Gonzalez and dad of singer-actress-politician Cristina ‘Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez passed away this morning at 6:30 am due to pneumonia and cardiac arrest.
“He was 80 years old. He is survived by his wife Rosario ‘Chayong’ Mallarky-Gonzalez, children Cristina, Jose Luis, Michael, Anna and Jose Mari, Jr. and grandchildren.
“His wake starts tomorrow at the Heritage Memorial Chapel in Taguig City up to Friday. Interment to be announced later. Let us pray for the repose of his soul,” buong pahayag ng veteran entertainment columnist.
Magsisimula ang lamay para sa labi ng aktor bukas sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig.
Nagsimulang mag-artista si Jose Mari noong 1950s sa edad na 17 under Sampaguita Pictures.
Ilan sa mga nagawa niyang pelikulaay ang Ulilang Anghel (1958), Tawag Ng Tanghalan (1958), Mga Anghel Sa Lansangan (1959), Handsome (1959), at Baby Face (1959).
Bumida rin siya sa Beatnik (1960) kasama si Susan Roces; Joey, Eddie, Lito (1961) kasama sina Eddie Gutierrez at Lito Legaspi; Operatang Sampay Bakod (1961) kasama sina Amalia Fuentes at Dolphy; Tindahan Ni Aling Epang (1961) kasama si Liberty Ilagan, at Kaming Mga Talyada (1962).
Noong 1998 hanggang 2002 naging kongresista siya sa San Juan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.