‘Kapag pinakasalan ba ni Tony Boy si Gretchen bababa ang presyo ng gasolina?’ | Bandera

‘Kapag pinakasalan ba ni Tony Boy si Gretchen bababa ang presyo ng gasolina?’

Cristy Fermin |April 17,2019
facebook
share this

‘Kapag pinakasalan ba ni Tony Boy si Gretchen bababa ang presyo ng gasolina?’

Cristy Fermin - April 17, 2019 - 12:40 AM

GRETCHEN BARRETTO AT TONY BOY COJUANGCO

Kung gagawin nating positibo ang pananaw sa ginagawang pamba-bash ngayon kay Gretchen Barretto ay magandang senyal ang ganu’n. Napakatagal na niyang hindi gumagawa ng pelikula at napapanood sa telebisyon pero hanggang ngayon ay palagi pa rin siyang bumibida sa mata ng publiko.

Palagi pa rin siyang may espasyo sa puso ng mga bashers, sadya man o ano ang ginagawang pagkutya sa kanya bilang mistress, pinag-uusapan pa rin ang nag-iisang La Greta.

May espasyo pa rin siya sa social media, laman pa rin siya ng mga tabloids, samantalang ang maraming personalidad na hindi na aktibo sa pag-arte ay hindi pinapansin.

At dahil sa kawalan ng kanyang gagawin sa maghapon ay pinagtitripan na lang na sagutin ng magandang aktres ang kanyang mga bashers.

Mapulitikang sumagot si Gretchen, idinadaan niya ‘yun sa maayos at pasimpatyang atake, kaya sa bandang dulo ng kanilang pagsasagutan ay maiinis ka pa nga sa nambubulabog sa kanya.

Masyadong apektado ang mga taong ‘yun sa pagiging mistress ni Gretchen, galit na galit ang mga ito kapag naglalabas si Gretchen sa kanyang IG Story ng mga branded niyang kagamitan, kaya ang sagot ng aktres ay nakakaawa naman ang mga taong ‘yun na hindi abot ang kung anumang mga materyal na bagay na meron siya ngayon.

Hindi niya naman ipinangangalandakan ang kanyang pagiging kabit. Pero ‘yun ang totoo. Hindi pa siya pinakakasalan ni Kuyang Tony “Boy” Cojuangco.

Ang tanong. Kung sakali bang dalhin sa altar ng bilyonaryong businessman si Gretchen Barretto ay bababa ang presyo ng gasolina?

Magkakaroon ba ‘yun ng epekto sa ating ekonomiya? May mga pagbabago bang magaganap sa ating bayang api?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending