Janine nakiusap sa mga adik sa Game Of Thrones; Lea ‘no to spoilers’
NAKIUSAP ang Dragon Lady lead star na si Janine Gutierrez sa mga adik sa American fantasy drama na Game of Thrones.
Nagsimula na kasi ang final season ng US series and unfortunately, hindi napanood ni Janine ang pilot episode dahil meron pa siyang trabaho.
Kaya naman nakiusap siya sa mga Pinoy fans ng GOT na huwag munang magpo-post ng spoilers sa social media.
“Good morning from the Dragon Lady set!! Shaking at the thought of GoT spoilers. I won’t get to watch til tomorrow!!!! DON’T PLSSSS DON’T!” sey ni Janine.
Dagdag pa niya, “Happy Monday, and if you get to watch GoT today, I’m so happy for u fam.”
Nag-promise naman si Lea Salonga na hindi siya magbibigay ng spoilers tungkol sa Game of Thrones.
“We’ll have only 6 weeks of this, and then it’ll all be over,” chika ni Lea.
Grabe ang pagkaadik ng mga Pinoy sa GOT! Talagang naging top trending topic sa socmed ang pagsisimula ng final season nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.