Ai Ai ibinandera ang bagong biling bahay para sa Ex battalion | Bandera

Ai Ai ibinandera ang bagong biling bahay para sa Ex battalion

Jun Nardo |April 16,2019
facebook
share this

Ai Ai ibinandera ang bagong biling bahay para sa Ex battalion

Jun Nardo - April 16, 2019 - 12:10 AM

AI AI DELA ALAS AT EX BATTALION

Isa si Ai Ai delas Alas sa mga celebrities na taun-taong nagsasagawa ng Holy Week tradition na Pabasa.

Naisagawa na niya ito nitong nakaraang mga araw kasama ang ilang pamilya, kaibigan at mga pari.

Walang mintis ‘yang pag-aalala ni Ai sa tradisyon tuwing Mahal na Araw.

Nagiging dahilan na rin ang okasyon para magpahinga ang Comedy Queen.

Pagbalik sa normal na araw, eh, promotions naman ng Viva movie niyang “Sons of Nanay Sabel” kasama ang alaga niyang Ex Battalion ang aatupagin niya.

Kamakailan, idinispley naman ni Ai Ai sa kanyang Instagram ang bagong bahay na kanyang binili para sa Ex Battalion.

Ayon kay Ai Ai, natutuwa siya na kahit paano’y nakapagpundar na ang kanyang mga alaga na para na rin niyang tunay na mga anak.

At kahit naba-bash ang grupo dahil sa personal nilang mga buhay hindi pa rin matatawaran ang talento ng bawat isang member ng grupo, lalo na sa pagra-rap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending