Direk Cathy bilib na bilib kay Alden: Mata pa lang umaakting na, super bait na bata

By Jun Nardo April 16,2019
share this

Direk Cathy bilib na bilib kay Alden: Mata pa lang umaakting na, super bait na bata

By Jun Nardo April 16,2019
share this

ALDEN RICHARDS

QUOTED ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa Twittter account ng Entertainment Uptake sa sobrang paghanga niya sa husay ni Alden Richards sa pag-arte.

Ayon sa direktora, hindi pa raw niya napapanood ang mga teleserye at pelikula ng Pambansang Bae, “Pero first take pa lang namin, napahanga agad niya ako. Mahusay ang take.

“Mata pa lang nangungusap na. Di kami nagkamali na kunin ang serbisyo niya. At super bait na bata.

Wala akong masabi,” ang papuri pa ni direktor ng “Hello, Love, Goodbye” na unang tambalan nina Alden at Kathryn Bernardo.

Hayan ha, galing mismo ‘yan sa batikang direktora, huh! Hindi naman siguro fake quotes ito!

Kung kahapon sa Eat Bulaga Lenten drama, nagpakitang gilas si Alden sa husay sa pag-arte, ngayong Black Saturday, siya uli ang bida sa APT Entertainment presentation na The Journey kaya kahit nasa Hong Kong ang Kapuso Drama Prince ay hindi siya mami-miss ng mga Dabarkads.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending