‘YAN ang “mantra” na pinaiiral ng mga kabogerang komedyana na mahilig mag-post ng kanilang bikini photos sa Instagram, kabilang na nga sina Pokwang, Kiray Celis, Kakai Bautista, Kitkat at pati na si Queen Mother Karla Estrada.
Wala silang care sa mga bashers na walang ginawa sa buhay kundi ang manira at mang-okray ng kapwa.
Kahit na sandamakmak na kanegahang comments ang nakukuha nila mula sa netizens, dedma lang sila – sabi nga nila, walang basagan ng trip!
Siguradong ngayong bakasyon, maraming susugod sa beach to beat the summer heat at sa mga nahihiya at natatakot ma-bash o malait, but take the cue from our sexy comediennes na walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao for as long as masaya sila at walang tinatapakang iba.
Narito ang mga pasabog na dialogue ng tatawagin nating Magic 5 pagdating sa pangdededma sa mga body bashers.
KIRAY CELIS
“Nag-post ako ng photo na nasa beach. Tapos naka shorts ako pero kita kuyukot ko. Bakit daw kita pwet ko? ANO BA! Nasa beach nga di ba? Naka shorts na nga ako! Paano pa pala kung nag-panty pa ako? OH ETO! MORE PWET PA PARA SA INYO!
POKWANG
“Evolution of LOVE! Ha-hahahaha! Gooood morrrnnneeenggg!
KAKAI BAUTISTA
“Hindi ko naman sinasabi na gustuhin niyo ang pose ko or matuwa kayo sa pose ko, eh ‘yun ang nararamdaman ko. Okay na ako dito. Mahal ko ito eh. IKAW BA? MAHAL MO BA ang VADEEH mo?
KARLA ESTRADA
“Parang karamihan kasi sa atin dito sa Pilipinas ay hindi bukas ang ating pang-unawa na kahit mataba ka, e, puwede kang mag-bathing suit.
“Tapos tayo, nasanay tayong matataba na talagang hindi na tayo makapag-swimming sa dagat. So, huwag tayong mahihiya dahil hindi naman talaga sila ang bumili ng pagkain kaya tayo lumaki nang ganito.”
KITKAT
“Believe in yourself, and the rest will fall into place. Have faith in your own abilities, work hard, and there is nothing you cannot accomplish.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.