Arci sa BF: Sana mag-propose siya sa akin sa Disneyland…

By Ervin Santiago April 16,2019
share this

Arci sa BF: Sana mag-propose siya sa akin sa Disneyland…

By Ervin Santiago April 16,2019
share this

ANTHONY NG AT ARCI MUÑOZ

Kaaliw talaga si Arci Muñoz. Talagang diretsahan niyang sinabi sa isang panayam na kung magpo-propose raw ang kanyang boyfriend, sana raw ay sa Disneyland.

Inamin ng Kapamilya actress na napag-uusapan na rin nila ni Anthony Ng ang kanyang dream wedding.

“Oo, pati proposal. Kasi kapag hindi siya nag-propose sa dream proposal ko, ako ang magpo-propose,” chika ni Arci.

“Tsaka gusto ko sa church wedding talaga. O, kaya sa Disneyland yung proposal. Pag di ka pa nag-propose, ewan ko na lang,” natatawa pang sey ni Arci sa nasabing interview.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending