Sam umalis agad sa presscon ng ’Halik’, isinugod sa ospital
HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nasa taping si Sam Milby ng teleseryeng Halik at kapag wala siyang eksena ay natutulog lang siya dahil kailangan niyang magpahinga.
Sa finale presscon kasi ng Halik nitong Huwebes ay agad na umalis ang aktor pagkatapos ng photo opportunity dahil hindi na niya kaya ang nararamdamang sakit sa tiyan. Isinugod sa emergency room ng St. Lukes Hospital ang aktor ng handler niyang si Caress Caballero at personal assistant na si Nene Lismonero.
Tinanong namin si Caress kung bakit umalis sila agad sa presscon, “Tinakbo ko si Samsam dito sa St. Lukes, birthmate. Sabi ng doktor, stomach flu.”
May abdominal cramps, pagsusuka, nananakit na katawan at nilalagnat si Sam ng mga sandaling iyon kaya nag-aalala ang mga kasama ng aktor.
Sabi pa sa amin ni Caress, “Nu’ng kausap ko si Doc, viral illness, WBC (white blood cells) niya mababa, pero normal naman ang red blood cells niya pati wiwi.”
Kailangang i-admit si Sam para sa ilang test pero nakiusap na baka ngayong araw (Sabado) na lang dahil nga may taping pa sila kahapon.
“I asked Doc kung wala namang danger kung made-delay ang gastro check-up kung sa Saturday pa (ngayong araw) kasi nga crucial ‘yung taping tomorrow (kahapon). Sabi ng doktor depende raw.
“Tumawag si direk Ruel (Bayani, business unit head), uunahin na lang daw kunan ang lahat ng sequences ni Sam para ma-pack-up agad para diretso na siya uli sa hospital.”
Kaya sa mall show ng Halik ngayong araw ay wala si Sam dahil nasa hospital siya. Sana’y bumuti na ang pakiramdam niya para makasipot naman siya sa ASAP bukas para sa final promo ng buong cast ng teleserye kasama sina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, Amy Austria, Christian Bables, Ria Atayde at marami pang iba.
Kailangan ding gumaling agad si Sam dahil paalis siya kasama nina Jericho at Yen para sa series of shows nila sa Canada, ang “Acoustic Hearthtrobs: 2019 Concert Tour” produced ng Musique Mix. Gaganapin ito sa tatlong lugar sa Canada: Toronto Pavilion sa May 3; South Pointe Community Center Edmonton, May 4; at Burton Cummings Theater Winnipeg, May 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.