TUMAAS ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Mula sa 60 porsyento noong Disyembre, umakyat sa 66 porsyento ang net satisfaction rating ni Duterte noong Marso.
Ito ang pinakamataas na rating ni Duterte kapantay ng nakuha niya noong Hunyo 2017.
Ang pinakamababang nakuha ng Pangulo ay 45 porsyento na naitala noong Hunyo 2018.
Sa huling survey pinakamataas ang nakuhang satisfaction rating ni Duterte sa Mindanao (92 porsyento) na sinundan ng Visayas (81 porsyento), National Capital Region (76 porsyento) at iba pang bahagi ng Luzon (73 porsyento).
Pinakamataas naman ang dissatisfaction rating ni Duterte sa iba pang bahagi ng Luzon (17 porsyento), na sinundan ng Metro Manila (14 porsyento), Visayas (12 porsyento) at Mindanao (5 porsyento).
Ginawa ang survey mula Marso 28-31. Kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.6 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.