ILANG bahagi sa siniserbisyuhan ng Maynilad Water Inc. ang posibleng makaranas ng pagkawala ng serbisyo sa tubig ngayong tag-init.
“Most likely, magkakaroon [ng water interruptions,] kasi malakas ang pangangailangan ng tubig ngayon at mainit ang panahon,” ani Jennifer Rufo, head ng corporate communication services ng Maynilad sa panayam ng dzMM.
“Maraming lugar, sa ilang bahagi ng Caloocan City, Quezon City at Valenzuela City,” dagdag ni Rufo.
Pinayuhan niya ang publiko na magtipid ng tubig dahil hindi umano maipapangako ng Maynilad na araw-araw ang suplay ng tubig.
Sa kasalukuyan ay nakararanas na ang ilang kostumer ng Maynilad ng pagkawala ng tubig.
“Inaabisuhan natin ang mga customers na mag-ipon [ng tubig] kasi right now kahit paaano nali-limit namin ang interruption during off peak hours,” ayon pa kay Rufo.
Inanunsyo ng opisyal na wala pa sa kritikal na lebel ang Angat Dam, na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Maynilad.
“Sa ngayon, nakikita namin na okay pa ang Angat [Dam]. [Nasa] 188.86 meters pa,” sabi niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.