Momo challenge walang ebidensya na nag-udyok ng suicide | Bandera

Momo challenge walang ebidensya na nag-udyok ng suicide

Leifbilly Begas - April 09, 2019 - 03:10 PM

WALANG nakitang direktang ebidensya ang Department of Information and Communications Technology na mag-uugnay sa Momo Challenge sa pagpapakamatay ng 11-anyos na batang lalaki sa Quezon City.

Ayon kay Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio Jr. isang task force ang binuo ng ahensya upang imbestigahan ang pangyayari.

“Upon investigation, walang directly nakapag-relate sa death and the Momo Challenge. The death was caused by some psychological problem of the child concerned,” ani Rio sa pagdinig ng House committee on Information and Communication Technology.

Wala ring nahanap na ebidensya ang pulisya para masabi na ang Momo Challenge ang nag-udyok sa bata na magpakamatay.

Sinabi ni Rio na ang mga magulang ng bata ang nagsabi na nag-subscribe sa Momo Challenge ang bata pero binura na raw umano niya ito.

May teknolohiya ang DICT na nahanap ang naburang mensahe pero tumanggi umano ang mga magulang na ipasuri ang cellphone.

“Wala silang nakita doon sa sinabi ng parent that the Momo Challenge was being subscribed to by the child kasi dapat nandun sa cellphone niya yung thread ng communication na do this, do that,” ani Rio. “Ang sabi ng parent, binura na ng victim pero kahit na sana, we are requesting na baka ma-forensic yung cellphone niya, pero hindi pinayagan ng parent.”

Ang Momo Challenge ay isang hamon sa subscriber upang manakit at saktan ang sarili.

Ang napabalita naman umanong paglalayas ng bata sa Iloilo ay walang kinalaman sa Momo Challenge.

Ginamit lamang umano ito ng bata na dahilan pero ang totoo ay sumama ito sa kanyang mga kaibigan.

Naglungsad din umano ang DICT ng information drive upang mababalaan ang publiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending