Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang celebration ng birthday sa pagsisimba. At pagkatapos ay pagswi-swimming. Sa ganyang paraan, nakapag-relaks ka na, susuwertehin at magiging maligaya pa ang buong maghapon. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Alam mo bang higit na umuunlad at sinusuwerte ang isang Aries kung mahaba ang buhok? Kung ikaw naman ay isang lalaki, magpatubo ng bigote o kaya’y balbas upang madali mong mahigop ang magagandang kapalaran. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Name-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Higit kang mas mapalad sa iba, kaya hindi dapat malungkot, panahon na upang magsaya! Panahon na upang bilangin mo ang mga blessings na dumarating sa iyong buhay, kaysa kung ano-anong negatibong bagay ang iniisip mo. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastam-Om.” Red at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Bukod sa t-shirt na puti, tulad din ng Virgo, ang mga Gemini ay sinusuwerte sa alahas na silver. ‘Yan ang lagi mong isuot upang madagdagan ang iyong salapi at para makaranas na rin ng isang masarap na romansa. Mapalad ang 5, 8, 17, 26, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Yara-Om.” Bukod sa white, ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat magtiis, kaya mong baguhin ang buhay sa isang idlap lang. Mangibang bansa ka! Sa pag-aabroad higit na uunlad at liligaya. Sa ibayong dagat matatagpuan mo rin ang iyong true love. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ang pagiging malaya ang magdadala sa iyo sa tunay na kaligayahan. Sa pinansyal, iwasan ang masyadong maging mapagbigay, alalahanin mong nauubos din ang pera. Mapalad ang 4, 11, 20, 29, 33 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Rama-Om.” Green at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kung magpapagawa ng bahay, gamitan ng materyales na stainless, salamin at aluminum. Ang nasabing mga materyales ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, silver na singsing ang buenas. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yophiel-Babalam-Om”. Bukod sa silver, ang white ay buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung gusto mong yumaman, okey lang kung medyo chubby at mataba ka. Sa katotohanan bihira lang sa mga payat na Libra ang yumaman. Sa pag-ibig, mas masarap ding kayakap ang malaman kaysa sa mabuto. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaan-Nama-Om.” Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy ang paggising ng maaga, upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mas masarap ang romansa kung sa umaga gagawin. Mapalad ang 7, 18, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Artam-Om.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ituloy mo ang lahat ng pangarap at inaasam-asam mo sa buhay, hindi ka dapat panghinaan ng loob. Malaon ng nakatakda sa iyong pangarap ang yumaman, ang sumikat at ang maabot mo ang lahat ng iyong pangarap. Oo ganoon ka talaga ka suwerte dahil ikaw ay may ruling planet na Jupiter. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang mas mabilis na suwertehin, maglagay ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng pisngi. Ang nasabing nunal ang hihigop ng maraming suwerte at maligayang pag-ibig. Mapalad ang 4, 17, 34, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Red at orange ang buenas
Aquarius – (January 20 – February 18) — Bakit hindi ka lumiligaya? Isip bata ka pa kasi! Kung tatanggapin ng maluwag sa loob, ang anomang bagay na nawawala ay hindi na muling magbabalik, mas magiging malaya ka at mas magiging maligaya. Tandaan mong ang puno na, na baso ay hindi na puwedeng lagyan ng tubig. Kaya bawasan mo ang iyong alalahanin, upang masiglan ng suwerte at magandang kapalaran ang iyong buhay. Mapalad ang 1, 9, 18, 24, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dosya-Om.” Blue at yellow ang buenas
Pisces – (February 19 – March 20) — Konsentrasyon ang dapat! Kung ano-ano kasi ang iniisip ng mga Pisces kaya sila nabibigo. Subalit kapag nag-concentrate sa dalawang bagay lang, pera at seryosong pag-ibig, uunlad ka at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad ang 2, 11, 28, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.