KAHAPON ay nagbukas ang pinakamalaking palabas ng sasakyan sa bansa, ang Manila International Auto Show 2019, sa World Trade Center sa Pasay sa isang magarbo at marangyang selebrasyon.
Ito ay sa gitna ng mga reklamo ng industriya na lumiliit ang kanilang benta ng mga kotse at hirap sila.
Subalit sa dami ng mga bumisita sa unang araw at ang variety ng kotse at produkto na napaka-diverse, hindi mo maiisip na naghihirap ang industriya ng sasakyan. Sa totoo lang, kung nagawa mong tumambay ng buong araw, tulad ng ginawa ko, magugulat ka sa mga bagong kotseng inilunsad sa MIAS 2019.
Ang Hyundai lamang ay naglantad ng dalawang sasakyan sa kanyang line-up. Ito ay ang Kona na electric car at ang Palisade na isang malaking SUV tulad ng Expedition ng Ford.
Ang Ford din namimigay ng halos tatlong milyong pisong halaga ng premyo para sa mga bibili ng kotse nila.
Ang Chevrolet ay ipinakita ang kanilang 2019 Camaro habang ang MG ay inilabas ang bagong MG-6.
Ang Subaru ay ipinakita ang kanilang virtual showroom na tanging VR glasses lamang ang gamit habang Suzuki ay inilatag ang bagong Jimny at ang Foton ay ang kanilang van.
Ang Kia ay may dalawang bagong kotse sa kanilang garahe, ang Stinger na sports car at ang Forte na isang compact sedan. Ang Volkswagen naman ay ipinagmalaki ang kanilang Santana GTS, Lamando at Lavina na kasalukuyan ng binebenta.
Maging ang mga bagong players tulad ng GAZ, GAC, JAC ay may malalaking display, tulad na din ng Jaguar, Jeep, Chrysler at Mercedes Benz.
Dito mo iisipin, kung hirap magbenta ang mga car companies ng kotse, bakit parang ang lakas nila gumasto sa mga auto shows na ito? Siguro ay dahil dito nila maaakit ang mga mahihilig sa kotse na bumili na ng bago.
Ang MIAS 2019 ay hanggang sa Linggo, April 7, 2019 at ang tiket ay nagkakahalaga lamang ng P100.
Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.