Polo: Naniniwala naman akong virgin pa si Kiray | Bandera

Polo: Naniniwala naman akong virgin pa si Kiray

Jun Nardo - April 04, 2019 - 12:20 AM


ALIW na aliw si Kiray Celis sa dibdib ni Polo Ravales. Magkatambal ang dalawa sa indie romcom movie na “Portrait of My Love” na showing na ngayon sa mga sinehan.

“Mas malaki pa raw kasi ang chest ko sa kanya! Ha! Ha! Ha!” rason ni Polo nang makausap ng press after ng premiere ng pelikula last Tuesday sa SM North EDSA cinema.

Eh, sa paghawak ni Kiray sa dibdib niya, may naramdaman ba siyang malisya? May pagnanasa ba ang Kapuso comedienne sa kanya?

“Hindi ko alam, eh. Alam ko kasi virgin pa siya. Sabi niya. Ako naniniwala dahil parati niyang kasama ang nanay niya. Tsaka, gusto niya kasal muna,” diin ng aktor.

Teka, puwede ba niyang mataypan si Kiray kahit engaged na siya? “Bakit naman hindi? Mabait naman si Kiray. Nakakatawa siya. No dull moments with her.Why not? Marami siyang magagandang qualities,” deklara ng aktor.

Habang nasa Baguio City sila kung saan kinunan ang “Portrait Of My Love”, dumalaw daw sa shooting ang sinasabing boyfriend ng dalaga pero hindi raw niya ito nakita.

“Pero ipinakita niya sa akin ang picture. Mukha naman siyang in love talaga,” saad ni Polo.

Present ang fiancée ng aktor sa premiere night ng bago niyang movie under RJ7 Entertainment. Balak daw nilang magpakasal next year dahil busy pa sila ngayong 2019 lalo pa’t kabubukas lang nila ng isang beauty clinic sa Dubai kung saan lahat ng products nila ay organic.

Ang name ng pakakasalan ni Polo ay Paulyn Quiza at garden wedding ang gusto nila. Balak nila itong gawin sa isang sosyal na garden resort sa Tagaytay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending