Palasyo tinawag na ‘black propaganda’ ang video na nag-uugnay kay Paolo Duterte sa droga
TINAWAG na ‘black propaganda’ ng Malacañang ang video na kumakalat sa social media na nag-uugnay kay presidential son Paolo Duterte sa iligal na droga.
“Obviously a black propaganda,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Base sa anim-na-minutong video, idinedeposito umano sa mga bank account ng mga umano’y sangkot sa droga ang kanilang kickback gamit ang code name sa listahan.
Kabilang sa listahan ay si “POLODELTA-TSG01” at “ALPHA TIERRA-0029.”
Sinabi ng narrator na si Polo Delta ay si Paolo Duterte, na nagrerepresenta ng kanyang inisyal.
Pinangalanan din sa Waldo Carpio bilang umano’y “dummy” ni
Si Carpio ay kapatid ng abogadong si Manases Carpio, ang brother-in-law ni Paolo at mister ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Siya ay kasalukuyang undersecretary sa Department of Agriculture.
Nagbitiw si Duterte bilang vice mayor ng Davao City at tumatakbo bilang kongresista ng 1st District ng Davao City sa eleksiyon sa Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.