Bianca, Mylene inspirasyon ng mga nanay sa Sahaya
Patuloy na pinag-uusapan sa social media at ng mga Kapuso viewers ang mga madamdaming at makabuluhang eksena sa GMA Telebabad series na Sahaya.
Ayon sa ilang netizens, parang totoong magnanay sa serye sina Mylene Dizon at Bianca Umali bilang sina Manisan at Sahaya. Inspirasyon sila ngayon ng mga nanay at mga anak dahil sa kanilang inspiring na relasyon.
Pero feeling ng mga viewers, sa simula ay paawa effect ang role nina Mylene at Bianca pero habang tumatakbo ang kuwento ng Sahaya ay mapipilitan na rin silang lumaban, lalo na sa mga taong magtatangkang sirain ang kanilang buhay.
Narito ang ilang comments ng netizens about Sahaya na patuloy na humahataw sa ratings game.
Sabi ni @acosta_nenz, “My whole fam is already hooked in watching it. Every character has a significant role that every viewer can learn something about nice culture of badjaws. Typical life in the province. So simple. Lesser stress.”
Komento naman ni @thedeputyprime, “I don’t usually watch local TV series nowadays perhaps because of the plot repetitions and poor execution but this #Sahaya is definitely giving me a fresh take on the local TV landscape. The plot and the portrayal is so authentic.”
“Sahaya is a must watched epic serye. It does not only discuss the culture of Badjaw people but also the mentality of every Filipino and its implications to the Philippine Milieu,” ayon naman kay @jmgaran291999.
Patuloy na tutukan ang Sahaya sa GMA Telebabad at alamin kung paano lalaban si Sahaya sa pambu-bully sa kanya ng mga kaklase sa kanilang eskwelahan. Ito’y sa direksyon ni Zig Dulay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.