F2 Logistics Cargo Movers puntirya ang ika-10 panalo | Bandera

F2 Logistics Cargo Movers puntirya ang ika-10 panalo

Melvin Sarangay - April 01, 2019 - 10:11 PM

Laro Martes (Abril 2)
(Filoil Flying V Centre)
4:15 p.m. Sta. Lucia vs Foton
7 p.m. Generika-Ayala vs F2 Logistics
Team Standings: Petron (14-0); F2 Logistics (9-3); PLDT Home Fibr (8-6); Cignal (7-6); United VC (6-7); Generika-Ayala (4-8); Sta. Lucia (2-10); Foton (1-11)

MAKUHA ang ikasampung panalo ang puntirya ng F2 Logistics Cargo Movers sa pagsagupa nito sa Generika-Ayala Lifesavers sa kanilang 2019 Philippine Superliga Grand Prix game ngayon sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Hangad ng Cargo Movers na mahigpitan ang kapit sa No. 2 spot sa paghaharap nila ng Lifesavers sa alas-7 ng gabi na main game ng prestihiyosong women’s club tournament na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Bago ang sagupaan ng F2 Logistics at Generika-Ayala, magtatapat ang Foton Tornadoes at Sta. Lucia Lady Realtors dakong alas-4:15 ng hapon na opening game ng torneong katuwang din ang ESPN5 at 5Plus bilang mga broadcast partner.

Muli naman sasandalan ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus ang nagbabalik na si Maria Jose Perez ng Venezuela katuwang ang kapwa import na si Lindsay Stalzer at local stars na sina Aby Maraño, Majoy Baron at Dawn Macandili.

Magpipilit naman ang Generika-Ayala na makabangon matapos makalasap ng straight set na pagkatalo sa Petron Blaze Spikers noong nakaraang linggo.

Sasandigan naman ni Lifesavers coach Sherwin Meneses ang Thai import na si Kanjana Kuthaisong, Azerbaijani reinforcement Kseniya Kocyigit at mga local player nitong sina Patty Orendain, Angeli Araneta at Fiola Ceballos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending