Ria Atayde umamin: Hindi naman po mahirap magustuhan si JM…
NANLILIGAW na nga ba si JM de Guzman kay Ria Atayde?
Tila may laman kasi ang pagbanggit ni Arci Muñoz sa pangalan ng dalaga sa ginanap na mediacon ng pelikula nila ni JM na “Last Fool Show” na mapapanood na sa Abril 10 mula sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr..
Halatang na-shock din si Arci sa pag-mention niya kay Ria sa presscon kaya agad niya itong binawi sabay sabing,
“Hindi totoo ang tsismis, ha!” na ang tinutukoy nga ay sina JM at Ria. Pero bakit nga ito nasabi ni Arci samantalang wala namang balita tngkol sa dalawa.
Makahulugan ang tinginan nina JM at Arci sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Ria kaya tinanong namin ang isa sa cast ng Halik kung ano ang totoo sa kanila ng aktor. “LOL! We’re good friends, tita,” sagot ni Ria sa amin.
Sundot na tanong namin, “So, walang ligawang nangyayari?” “Not explicitly I guess. Hahaha! We’re both so focused on our careers and ourselves po. Pero we’re both really investing on our friendship,” sagot ng aktres.
Type ba niya si JM? “Ha-hahaha! Tita, hindi mahirap magustuhan si JM. Super swak din kami. I can’t really tell though. Slowly,” masayang sabi sa amin ni Ria.
Sabi namin, boto kami kay JM para sa kanya, “Ha-haha! Sige tita. We’ll see,” tumatawang sagot ng aktres.
Kaya naman pala panay ang tukso ni Arci, e, dahil may “slowly” na nagaganap sa pagitan nina JM at Ria.
Anyway, nang mapanood namin ang trailer ng “Last Fool Show” ay tawa kami nang tawa sa mga eksena nina Arci at JM. Mukhang interesting ang kuwento ng pelikula na tungkol sa ex-lovers na punumpuno ng hugot sa isa’t isa.
Ang “Last Fool Show” ay mula sa Star Cinema, N2 Productions at Emba. Kasama rin dito sina Jaymee Katanyag, Alora Sasam, Via Antonio, VJ Mendoza, Chamyto Aguedan, Kris Janson, Victor Silayan, Erin Ocampo, Pat Sugui, Cholo Barretto, Josef Elizalde, Menggie Cobbarubias, Arlene Muhlach, Bibeth Orteza at Gina Alajar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.