INIUUGNAY ang pag-inom ng mainit na tsaa sa pagtaas ng tyansa na magkaroon ng esophageal cancer ang isang tao.
Pinag-aralan ng mga dalubhasa sa Tehran University of Medical Sciences ang 50,045 katao na nasa pagitan ng edad 40-75 mula 2004 hanggang 2017. Sa naturang panahon ay 317 ang nagkaroon ng esophageal cancer.
Ang pag-aaral ay nailathala sa The International Journal of Cancer.
Ang pag-inom ng 700 milliliter ng tea kada araw sa temperaturang 60 degrees Celsius pataas ay nagpapataas ng 90 porsyento sa tyansa na magkaroon ng esophageal cancer ang isang tao.
Sinabi ni Dr. Farhad Islami, ng American Cancer Society at nanguna sa pag-aaral, na makabubuti kung palamigin muna ang mga inumin.
Ayon sa World Health Organization isang risk factor ang pag-inom ng kape, tsaa at iba pang i-numin na may tempera-turang 65 degrees.
Noong Pebrero 2018, isang Chinese study ang nailathala sa Annals of Internal Medicine. Sinabi rito na tumataas ng limang beses ang tyansa na magkaroon ng esophageal cancer ang mga umiinom ng hot tea.
Limitado naman ang pag-aaral na ito ng mga Chinese sa mga taong umiinom ng tsaa at naninigarilyo o umiinom ng alak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.