Janella ayaw nang magka-loveteam: I want to grow as an actress
KONEK na konek si Janella Salvador sa bago niyang single na “Take It Easy” under Star Records. Hindi naman lingid sa marami ang pinagdaanang “bagyo” sa buhay ni Janella nu’ng nakaraang taon. Kaya feeling ng ibang showbiz kibitzers malaking hugot song para kay Janella ang bago niyang single.
Nag-mature na raw siya, “Nakikita ko kung gaano ka-different ‘yung sarili ko ngayon sa Janella dati nu’ng 16 years old ako.” Moreso, marami raw siyang natutunan sa nangyari sa kanya in the past.
“I’ve learned kung ano ‘yung mga bagay na kaya ko, kung ano ‘yung hindi ko kaya. Kung ano pa ‘yung gusto kong i-work on, mga ganoon,” lahad ng dalaga.
Isa sa sobra niyang na-appreciate ngayon ay ang pagkakaayos nila ng kanyang ina at stage actress na si Jenine Desiderio pati na ang kanyang ama na si Juan Miguel Salvador.
“It’s a different…magkaibang dynamics with my mom and my dad. So, happy ako ngayon na I’m slowly getting to know my Dad coz’ I did not grow up with him.
“So, ngayon happy ako. Palagi kaming magkasama ng dad ko. Tapos ‘yung mom ko naman kasi, at least, we’re slowly patching things up,” dagdag pa niya.
On her career, inamin niya na na-miss niya talaga ang pag-arte dahil matagal na siyang walang serye.
Pero in the works na raw ang bago niyang TV series sa Kapa-milya network. And she’s going to do a movie also for Regal Films.
Tanong namin kay Janella if she’s still willing na magkaroon ulit ng kalabtim pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Elmo Magalona.
“Actually, I’m willing to work with different people now to explore my craft. kasi feeling ko that’s how I will grow as an artist,” aniya.
Ayaw daw muna niyang magkalabtim, “It’s naman trauma, but it’s difficult to handle especially people might get attached and, for me kasi right now I want to grow as an actress sa craft ko. Gusto ko mapakita na kaya kong mag-work with different people.”
Basta ready na raw siya to do mature and challenging roles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.