Erik tinupad ang pangako kahit 2 araw na-stranded sa Dubai | Bandera

Erik tinupad ang pangako kahit 2 araw na-stranded sa Dubai

Cristy Fermin - April 01, 2019 - 12:20 AM


MAHAL na mahal ni Erik Santos ang kanyang propesyon. Wala siyang pakialam kung kapos pa siya sa tulog at pahinga, kapag tumanggap siya ng kahit anong kompromiso ay wala nang urungan ‘yun, darating siya anuman ang mangyari.

Pinasaya niya ang mga guests ng anak-anakan naming si Rowena Jamaji nu’ng Sabado nang gabi sa ballroom ng Okada Hotel. Panay-panay ang kanilang palakpakan tuwing natatapos ang pagkanta ni Erik Santos.

Napakakinis naman kasi talaga ng kanyang boses, pero hindi alam ng mga nandu’n kung ano ang kanyang pinagdaanan bago siya nakarating sa party ni Tita Weng Jamaji.

Kararating lang niya mula sa Madrid, Spain bilang bahagi ng taunang caravan ng ABS-CBN para sa kanilang mga tagapanood. Na-stranded sila nang dalawang araw sa Dubai, walang eroplanong makabiyahe dahil nagpuputik ang runway, napakalaking problema nu’n para sa magaling na singer.

Pero dahil kay Ahwel Paz na kasama niya sa show sa ibang bansa ay nakagawa sila ng paraang makabiyahe, pahirapan ang booking, pero ang pinakamahalaga para kay Erik ay ang hindi niya mabigo si Tita Weng sa kaarawan nito.

Ganu’n ba ang singer na wala pang sapat na tulog at pahinga, ganu’n ba kay Erik Santos ang itsura ng singer na sobrang pagod sa mahabang biyahe, napakagaling niya.

Maraming magagaling na singers, pero iilan lang ang may pagmamahal sa kanilang propesyon, tulad ni Erik Santos na kapag sumagot sa kompromiso ay siguradong darating para mapasaya ang kanyang mga tagahanga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending