'Halikan' ng gay couple sa Bulaga inireklamo ng moralista; pero netizens umalma | Bandera

‘Halikan’ ng gay couple sa Bulaga inireklamo ng moralista; pero netizens umalma

Ervin Santiago |April 01,2019
facebook
share this

‘Halikan’ ng gay couple sa Bulaga inireklamo ng moralista; pero netizens umalma

Ervin Santiago - April 01, 2019 - 12:10 AM

LUMIKHA ng ingay ang naganap na “kissing scene” sa pagitan ng dalawang lalaki sa nakaraang episode ng Eat Bulaga nitong Sabado.

Maraming natuwa pero may mga na-offend at na-turn off din sa mabilisang paghahalikan ng gay couple sa “Boom” segment ng Eat Bulaga.

Ang pinahulaan kasi ni Vic Sotto sa komedyanang si Boobsie sa second part ng nasabing segment ay kung sino sa mga lalaking nasa harap niya ang may boyfriend.

Pero sa unang sagot pa lang ay nasabugan na agad ang Kapuso comedienne dahil mali ang kanyang sagot.

Isa si Jhon Patrick Driz sa “Tao” category ng “Boom” ang diretsong umamin na meron siyang boyfriend at kasama nga niya ito sa studio ng Eat Bulaga.

Nagpakilala ang dyowa ni Jhon na si Paul Cervantes. Anila, isang taon at tatlong buwan na silang magkarelasyon.

Pero kuwento ni Patrick kina Bossing Vic at Alden Richards bago raw siya na-in love kay Paul, pito ang naging girlfriend niya noong college.

“Bale po, noong simula college po, medyo playboy po ako. Parang hindi ko alam ang hinahanap ko sa isang babae. Yun pala, sa kanya ko matatagpuan,” pahayag ni Patrick.

Hiningan naman ni Alden ng message si Patrick para sa kanyang boyfriend, “Paul, mahal na mahal kita. Salamat sa lahat, I love you.” Hinalikan din niya ito sa noo.

Sagot naman ni Paul sa kanya, “Thank you rin sa lahat, sobra. Alam mo naman, ikaw yung the best boyfriend para sa akin. I love you more.”

Sa puntong ito, tinukso ni Boobsie ang magdyowa sabay sigaw ng “Kiss!” na walang arte naman nilang pinagbigyan.

Nagsigawan at nagpalakpakan naman ang studio audience kasabay ng dialogue ni Bossing ng, “Okey na, okey na!” Kitang-kita ang pag-kabigla ng TV host sa nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilang moralista ang nagkomento na dapat daw bigyan ng warning ng MTRCB ang noontime show dahil marami raw nanonood na bata nu’ng mga oras na yun at baka hindi pa nila naiintindihan kung bakit nag-kiss ang dalawang lalaki.

Pagsalungat naman ng ilang netizens, wala silang nakikitang offensive sa ginawa ng gay couple on national TV. Bukod sa hiningan lang sila na mag-kiss, in-express lang nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa like any other couples.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending