'Eerie' nina Bea at Charo kakaiba ang 'fear factor' | Bandera

‘Eerie’ nina Bea at Charo kakaiba ang ‘fear factor’

Djan Magbanua - April 01, 2019 - 12:01 AM


“EERIE” is really eerie.

Ito ang pinakabagong pelikula ng award-winning director na si Mikhail Red under Star Cinema na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos.

Iikot ang kwento ng “Eerie” sa buhay ni Pat (Bea), isang guidance counselor sa isang school na pinapatakbo ng mga madre.

Palagi siyang nakakakita ng multo at sa eskuwelahan ngang pinagtatrabahuan niya ay makikilala niya ang kaluluwa ng isang taong nagnga-ngalang Eri.

Dahil sa pagkamatay ng isang estudyante, mapipilitan si Pat na ungkatin ang dahilan ng pagmumulto ni Eri. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang namamahalang madre sa paaralan na si Sor Alice (Charo).

Sa kabuuan ng pelikula nagtagumpay si Direk Mikhail na takutin ang manonood, sa bawat eksena kasi ay mararamdaman ng viewers kung gaano ka-eerie ang pinagdaraanan ni Pat at ng iba pang karakter sa pelikula.

Impressive rin ang mga shots ni Direk Mikhail dahil mula simula hanggang ending ay talagang ramdam mo ang takot at kaba na para bang kasama ka ni Pat sa pagtuklas sa katotohanang bumabalot sa pagkamatay ni Eri.

Hindi rin iniasa ng direktor sa mga panggulat na eksena ang pananakot sa viewers na kadalasang mapapanood sa mga horror movies.

For her first horror film, nagtagumpay si Bea Alonzo na iparamdam sa manonood ang fear factor ng pelikula. Sabi nga nila, sa mata pa lang ng aktres ay feel na feel mo na ang takot at kaba.

Although hindi siya multo, matatakot ka rin sa character ni Charo Santos bilang isang istriktang madre na nakatutok sa old school Catholic way ng pagdidisiplina sa mga estudyante.

The story itself, for horror fans, might be nothing new dahil sa elements ng multo, madre at haunted na eskwelahan na lagi na nating napapanood sa mga ganitong genre pero makaka-relate ka pa rin sa “Eerie” dahil halos lahat naman tayo ay may kanya-kanya ring horror story.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palabas na ngayon ang “Eerie” sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending