Bianca inihandog sa ina ang HS diploma: To my superhero | Bandera

Bianca inihandog sa ina ang HS diploma: To my superhero

Bandera - March 30, 2019 - 12:15 AM

BIANCA UMALI

PINANINDIGAN ng Kapuso young actress na si Bianca Umali ang promise niya sa sarili at sa kanyang pamilya na tatapusin niya ang pag-aaral kahit na tuloy ang kanyang pag-aartista.

Bukod sa magandang rating ng bago niyang primetime series sa GMA na Sahaya, ibinahagi rin ni Bianca sa kanyang fans and social media followers ang pag-graduate niya sa senior high school.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ng dalaga sa kanyang graduation photos habang tinatanggap ang high school diploma sa Veritas Catholic School sa Parañaque City.

Nag-post ang Sahaya lead star sa Instagram ng kanyang black and white graduation na may caption na, “Mama, my superhero, this is for you. @vickyumali.”

Kung matatandaan, ipinangako ni Bianca sa kanyang magulang na kahit na super busy ang kanyang showbiz career, nasa top priority pa rin niya ang makatapos ng pag-aaral.

Samantala, patuloy na subaybayan ang kuwento ni Sahaya ngayong dalaga na siya. Asahan ang mas marami pang pagsubok na haharapin ni Sahaya sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Ano nga kaya ang magiging papel sa kanyang buhay ng karakter ni Glaiza de Castro bilang isa sa mga guro sa pinapasukan niyang school. ‘Yan ang kailangan n’yong tutukan sa Sahaya gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending