Migo tatanggalin sa gagawing pelikula dahil sa kasong hit and run? | Bandera

Migo tatanggalin sa gagawing pelikula dahil sa kasong hit and run?

Cristy Fermin |March 29,2019
facebook
share this

Migo tatanggalin sa gagawing pelikula dahil sa kasong hit and run?

Cristy Fermin - March 29, 2019 - 12:40 AM

MIGO ADECER AT JERIC GONZALES

Sayang naman, naudlot pa ang career ni Migo Adecer, siya pa naman ang nakalinyang makatambal ni Kyline Alcantara sa pelikulang “Black Lipstick” ng Cineko Productions pero mukhang magkakaroon ng mga pagbabago.

Nasangkot ang baguhang aktor sa isang insidente sa kalye na hindi niya puwedeng lusutan, halos sagasaan na niya ang dalawang MMDA officers, bukod pa sa gusto niyang takasan ang insidente.

Pero ang nakapagtataka ay kung bakit dalawang lisensiya ang kanyang hawak? Ang driver’s license ay parang birth certificate na isa lang dapat pero bakit dalawang lisensiya ang nakita kay Migo Adecer?

Sayang na career, inaalalayan pa naman siya ng GMA 7, pero siguradong magkakaroon ng mga pagbabago ngayon dahil sa hindi magandang ipinakita niya sa batas ng kalsada.

May isang contract star ang GMA 7 na mapang-agaw ng pansin, si Jeric Gonzales na paminsan-minsan naming nasisilip nu’n sa seryeng Ika-5 Utos, bagay na bagay sila ni Kyline Alcantara.

Ang sinayang na pagkakataon ni Migo ay puwedeng maipasa kay Jeric Gonzales, tutal naman ay luto na sa acting ang binatang aktor bukod pa sa walang kuwestiyon ang kanyang itsura, malakas ang charisma ni Jeric Gonzales at puro magagandang salita ang naririnig namin tungkol sa kanya.

Nakalimutan ni Migo Adecer na sa showbiz, isang maling hakbang lang ay puwede nang maging dahilan ng pagkasira ng kanyang career, tulad ng nangyayari sa kanya
ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending