Pia gustong mag-audition para gumanap na Wave sa Marvel movie Bandera

Pia gustong mag-audition para gumanap na Wave sa Marvel movie

Ervin Santiago |March 29,2019
share this

Pia gustong mag-audition para gumanap na Wave sa Marvel movie

Ervin Santiago - March 29, 2019 - 12:25 AM

PIA WURTZBACH

Game na game si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na gampanan sa big screen ang first Marvel Filipina superhero na si Wave.

Na-excite ang dalaga sa dami ng mga nag-comment sa social media na bagay sa kanya ang gumanap na Wave dahil sa kanyang tindig at kaseksihan.

Para kay Pia, dream come true kung sakaling siya ang mapili na gumanap na Wave para sa film adaptation ng Marvel comics na “War of the Realms: New Agents of Atlas” kung saan nga ipakikilala si Wave at iba pang Asian superheroes.

“Definitely. If there’s gonna be an audition for it, I’m gonna try for that. Why not, di ba?” sagot ni Pia sa isang panayam nang tanungin kung payag siyang gampanan ang karakter ni Wave.

Nauna nang sinabi ni Pia na matagal na niyang gustong maging superhero na nabigyang katuparan nga ng bumida siya sa “Gandarrapido: The Revengers Squad” with Vice Ganda and Daniel Padilla.

At tungkol naman sa pangarap niyang ma-penetrate ang Hollywood, “Well, that dream is still there, I’m still trying to pursue my dream. I know that I still have a long way to go. Definitely have to gain more experience here in the Phlippines before I can try abroad.”

Aside from Pia, ang isa pa sa mga sinasabing bagay gumanap na Wave ay ang dating Darna na si Angel Locsin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending