Kumpirmado: Jimuel Pacquiao, Heaven Peralejo magdyowa na
NAGKAAMINAN na! Magdyowa na nga ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo at ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao.
Sa mga hindi pa nakakakilala kay Heaven, isa siyang Star Magic artist at naging bahagi rin ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 kung saan itinanghal na big winner si Maymay Entrata. Pamangkin din siya nina Rica at Paula Peralejo.
Inamin nina Heaven at Jimuel, parenong 19 years old, ang kanilang relasyon sa panayam ni Dyan Castillejo. Anila, ang pagiging Born Again Christian nila ang isa sa mga reason kung bakit sila nagkakasundo.
“Actually, church po yung first naming labas-labas,” ayon kay Jimuel.
Sabi naman ni Heaven, “Kasi parang ‘yun ang bonding namin every week. Nagtsi-church kami every week. Tapos after nu’n, dinner. Tapos hatid sa bahay.”
Ang kanilang pananampalataya raw ang isa sa mga nagpapatatag sa kanilang relasyon, “Parang yun ang most important thing, para right path po, dapat center si God,” ani Jimuel.
Unang nagkakilala ang dalawang bagets habang nagsa-shopping si Heaven at ang kanyang mommy sa Greenbelt Mall sa Makati noong April, 2017. Sakto namang naroon din si Jimuel kasama ang kanyang pinsan na lumapit at nagpa-picture kay Heaven.
After a year, muli silang nagkita sa Greenbelt mall at doon na sila nagsimulang mag-date. Kuwento pa ni Jimuel sa nasabing panayam, “Actually, nung nag-meet kami, parang ka-vibes kami. Marami kaming things in common, like, pagdating sa food, pati yung roller coasters, ganu’n, mahilig kaming dalawa.”
Sabi pa ng anak nina Pacman at Jinkee Pacquiao, nagdesisyon silang umamin na sa kanilang relasyon dahil nais nilang magpakatotoo sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanila at ito rin daw ang turo sa kanilang simbahan.
“Yun din ang sinasabi ng parents ko na dapat be honest,” sey pa ni Jimuel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.