Dante Gulapa umaming nalulong noon sa bisyo, nabaon sa utang | Bandera

Dante Gulapa umaming nalulong noon sa bisyo, nabaon sa utang

Ervin Santiago - March 28, 2019 - 01:40 AM

NAIYAK  ang social media sensation na si Dante Gulapa nang maglaro siya sa Kapamilya game show na Minute to Win It on Tuesday.

Ayon kay Dante na sikat na sikat ngayon dahil sa kanyang viral “eagle dance”, napakasaya lang niya dahil kahit na macho dancer siya noon ay sinuportahan pa rin siya ng publiko. Hindi lang daw siya makapaniwala na maiimbitahan siya sa mga sikat na TV show.

Aniya, “17 years old noong natuto akong magsayaw sa bar. Tapos, nandoon na ‘yung nalulong na ako sa bisyo at nabaon ako sa utang. Noong na-raid ‘yung bar namin, doon ako nagsimulang mag-stop.

“Ngayon, 13 years na po kaming kasal ng asawa ko. Meron na po kaming tatlong anak. Simula noong nagbagong-buhay ako, diri-diretso na ‘yung blessing na dumarating sa amin. Sobra-sobra po talaga akong nagpapasalamat sa Panginoon at mga umiidolo sa akin,” aniya pa.

Promise naman niya sa madlang pipol, “Kaya umasa po kayo na si Big Papa Dante hindi po magbabago kahit ano pong mangyari.”

Sabi pa ni Dante kay Luis habang lumuluha, “Sobrang saya lang po, dahil dininig ng Panginoon ‘yung mga gusto kong mangyari sa buhay ko, ang pangalawang pagkakataon na maayos ko ang pamilya ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending