GMA Artist Center issues official statement on Migo Adecer's arrest | Bandera

GMA Artist Center issues official statement on Migo Adecer’s arrest

Ervin Santiago - March 27, 2019 - 06:12 PM

SINIGURO ng GMA Artist Center na naka-monitor sila sa kasong kinasasangkutan ngayon ng Kapuso young actor na si Migo Adecer.

Naglabas na ng official statement ang GMA Network tungkol sa pagkaaresto at pagkakulong ng binata sa Makati City kagabi matapos akusahan ng hit and run ng mga otoridad.

Nakikipag-coordinate na rin ang talent management ni Migo sa legal counsel nitong si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque para sa development ng kaso.

Narito ang kabuuang pahayag ng GMA Artist Center sa pamamagitan ni Angel Javier, Corporate Communications head ng GMA Network.

“GMA Artist Center is closely monitoring the incident involving Migo Adecer.

“He is willing to assist the two people injured and his lawyer is now coordinating with them.

“We defer to Migo’s lawyer to address all legal matters regarding this incident.”

Ngayong araw sasailalim sa inquest procedures si Migo matapos kasuhan ng Makati City Police ng “reckless imprudence resulting to serious physical injuries and damage to government property at disobedience to person in authority.”

Ayon sa ulat, kagabi inaresto ng mga pulis si Migo matapos umanong mabangga at takbuhan ang dalawang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority sa kahabaan ng J.P Rizal sa Makati.

Pero ipinagdiinan ni Migo na hindi niya alam na may nabangga siya kaya hindi siya tumigil sa pagmamaneho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon naman sa mga arresting police officer, lasing umano ang aktor kaya malakas ang loob nitong makipaghabulan sa otoridad.

Iniimbestihan na rin kung totoong fake ang driver’s license na isinurender ni Migo sa mga pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending