Kaye Abad martir na dyowa ni John Lloyd: Very sugar mommy ang peg
FIRST love at first boyfriend pala ni Kaye Abad ang dati niyang ka-loveteam na si John Lloyd Cruz.
Nagsimula ang kanilang love story sa youth-orinted series noon ng ABS-CBN na Tabig Ilog. Ngunit tulad ng ibang young couple, hindi rin tumagal ang kanilang relasyon.
Sa interview kay Kaye ng Tonight With Boy Abunda, ikinuwento ng Kapamilya actress ang naging past nila ni John Lloyd. Dito nga niya inamin na first love niya ang aktor at ito rin ang kanyang unang boyfriend.
“Nagustuhan ko ‘yung personality niya and he was my first boyfriend. First love,” ani Kaye.
At alam n’yo ba na medyo may pagkamartir siyang girlfriend noong sila pa ni JLC? Hinahatid daw talaga niya noon ang aktor sa Laguna kung saan sila nagte-taping ng Tabing Ilog.
“Simple lang yung buhay ni John Lloyd before. Wala silang sasakyan. I live in Cavite. Ihahatid ko siya, from Laguna, ihahatid ko siyang Pasig saka ako uuwi ng Cavite,” pahayag pa ng aktres. Natatawang hirit pa ni Kaye, “Very sugar mommy ang peg.”
Feel na feel na rin daw niya noon na magiging award-winning actor si Lloydie, “Yes. Sa aming lahat sa Tabing Ilog, siya yung nakitaan ko talaga ng malalim kapag umarte. Yung natural. May nakukuha ako sa kanya na emosyon na totoo. So nakita ko na sisikat ‘to, iiwan ako nito, magla-love team ‘to ng iba.”
Hanggang sa, “Bumea (Bea) Alonzo, e. Naligwak ako. Mestiza, e. Naiwan si Eds sa Tabing Ilog.” Nakilala naman si JLC sa karakter niya sa Tabing Ilog bilang si Rovic.
Hanggang ngayon ay may communication pa rin siya sa iba pang cast ng Tabig Ilog pero bihira na silang magkita-kita, “Bilang may iba’t iba na kaming buhay, hindi na siya kasing dalas as before yung kulitan. Kamustahan yes, especially with Patrick (Garcia) kasi magkumpare kami and I’m friends with his wife.”
May mga nagtatanong din daw kay Kaye kung bakit hindi siya kinuhang ninang ng anak ni John Lloyd kay Ellen Adarna. Ito raw ang lagi niyang sagot, “John Lloyd, Ellen… bakit? Ha-hahaha! Paul Jake is friends with Ellen. Siguro dahil alam nilang kuripot ako, na wala akong mabibigay sa anak nila,” natatawa pang chika ni Kaye na mapapanood na muli sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit na magsisimula na ngayong Lunes bago mag-Showtime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.