Juday ginamit ng sindikato para makapanloko: Mag-ingat kayo sa scammer
BINALAAN ni Judy Ann Santos ang kanyang fans at social media followers laban sa mga sindikato na gumagamit sa kanyang pangalan.
Galit na galit si Juday nang makarating sa kanya na may isang Facebook page na nakapangalan sa kanya ang nanloloko ng mga netizens.
Sa kanyang Instagram account, ipinaalan ng misis ni Ryan Agoncillo na wala siyang public Facebook account kaya lahat ng mga FB page na nakapangalan sa kanya ay fake.
Kasabay nito, winarningan din niya ang gumawa ng pekeng FB account para lang makapangloko ng kanilang kapwa.
“Para po sa mga nagtatanong… this facebook account is not mine.. my team reached out a couple of times already to the person handling this account and reported this account as well.
“I do not have any personal facebook account that’s public. Pls. Be careful of scammers…at para sa inyo namang mga scammer, may tamang paraan para kunita ng pera. Wag namang gumamit ng pangalan at manloko ng mga tao,” ang mensahe ni Juday sa madlang pipol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.