Digong magdiriwang ng kanyang ika-74 kaarawan sa Davao | Bandera

Digong magdiriwang ng kanyang ika-74 kaarawan sa Davao

Bella Cariaso - March 27, 2019 - 04:31 PM

NASA Davao City si Pangulong Duterte para doon ipagdiwang ang kanyang ika-74 na kaarawan kasama ang kanyang pamilya.

Kinantahan si Duterte matapos dumalo sa kampanya ng PDP-Laban sa Koronadal City Martes ng gabi.

“Sandali lang. Alam mo, it’s really a queer thing to me pero kaya nga na — hinahabulan palagi because I do not celebrate my birthday. I spend the time, I said, with my — if they come to the house — ang mga anak ko lang pati mga apo ko,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Ikinuwento pa ni Duterte kung paano ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan ng siya ay bata pa.

“You know as far as I can remember at that time, every time mag-birthday ako sabihin lang ng nanay ko na, ‘Nak, bigyan lang kita pang-sine ha. Tapos magpatay lang tayo ng manok.” Iyong ugis (white chicken) ang tawag nila sa Bisaya, puti. Putulin ‘yung — slit ‘yung throat tapos ilagay ‘yung dugo dito parang cross,” dagdag pa ni Duterte.

“And that was it for the day. Tapos manood ako ng sine. Magpagupit ka na tapos mag-sine,” kwento pa ni Duterte.

Ani Duterte, taon-taon ay walang pinagkakaiba kung paano ipagdiriwang ang kanyang kaarawan.

“Ganun ‘yan every — as far as I can remember, ganun palagi. Sine lang. Because matagal kami naka… Iyong traction. Kumbaga sa eroplano pa sa runway, matagal kami sa runway bago kami naka-lift. Life started to be nice to us ‘yung malaki na ako,” sabi pa ni Duterte.

Ipinanganak si Duterte noong Marso 28, 1945.

“So every time, mag-birthday ako, para bang nagtampo ako sa panahon. That’s the word. Parang nagtampo ako sa kahirapan namin na I took it against the time na hindi ako maka-celebrate ng birthday ko,” dagdag pa ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, ayon kay Duterte, siya na ang umaayaw sa magarbong kaarawan.

“At ngayon na kaya ko na, nagtampo ako. Ayaw ko na talagang mag-celebrate. Because that was also what my father was doing. He really hated ‘yung mga — ako ayaw ko rin eh,” sabi pa ng Pangulo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending