Janella: Oo in love ako ngayon...sa sarili ko! | Bandera

Janella: Oo in love ako ngayon…sa sarili ko!

Julie Bonifacio |March 25,2019
facebook
share this

Janella: Oo in love ako ngayon…sa sarili ko!

Julie Bonifacio - March 25, 2019 - 12:20 AM

KITANG-KITA sa mukha ni Janella Salvador ang excitement sa kanyang showbiz career during the digital conference para sa single niyang “Take It Easy.”

Tila nag-blossom na into a beautiful woman si Janella. Kaya may-I ask agad namin siya baka sign ‘to na in love siyang muli.

“In love ako sa sarili ko nga-yon. Wow,” sagot ng dalaga kasunod ang malakas na tawa.

She’s not yet ready to fall in love again. Kung kailan siya mai-in love ulit, hindi niya raw alam.

“We’ll see. Kung may dumating, e, ‘di may darating,” ngiti niya.

Bukod sa mas gumanda si Janella, ang husay-husay na rin niyang sumagot sa mga tanong during the digicon. Obvious na nag-mature na siya. Tiyak na napakarami niyang natutunan sa naging relasyon nila ni Elmo.

May nagtanong naman kay Janella during the digicon kung meron ba siya kinaiinsekyuran sa kanyang mukha at katawan.

“It’s normal to feel insecure. And dati, I used to be insecure about, siguro my nose. Yeah, like before. Dati nai-insecure ako. Pero ngayon, hindi na talaga. Tanggap ko na kasi. This is what the real me. This is bagay sa face ko. Eto na talaga. Kilala na po this face and I just, might as well confident na rin,” esplika pa niya.

Marami nga raw ang nag-akala na ipinaayos ni Janella ang kanyang ilong. “Excuse me,” diin niya.

“Ganyan-ganyanin ko pa sa harapan ninyo,” sabay pisil at galaw ni Janella sa kanyang ilong.

Sabi pa niya, “I felt insecure about it pero I never did anything.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending