Aiko nag-sorry sa ABS-CBN; nag-resign sa bagong serye para kay Mayor Jay
HUMINGI ng sorry ang award-winning actress na si Aiko Melendez sa ABS-CBN dahil sa pag-back out niya sa bagong Kapamilya series na Sandugo.
Hindi na magagawa ni Aiko ang nasabing proyekto dahil kailangan niyang ibigay ang kanyang 100% support sa kanyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun na tatakbong vice-governor sa Zambales ngayong May 2019 midterm elections.
Nagpa-thanksgiving si Aiko sa mga kaibigan niya sa entertainment media dahil sa mga blessing na tinatanggap niya ngayon, partikular ang sunud-sunod na best supporting actress award na natanggap niya para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” na naging entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.
“Nakita n’yo na yung publicity shoot ng Sandugo, nandoon na ako. But sadly, hindi namin kasi nakita itong mangyayari, itong nangyayari ngayon sa sitwasyon namin ni Jay,” simulang pahayag ni Aiko.
Ang tinutukoy ng aktres ay ang alegasyong ibinabato ngayon laban kay Mayor Jay na may koneksyon sa ilegal na droga.
“So, I had to decline. Pasensya na po. And babawi po ako sa inyo. Mas kaila-ngan lang kasi talaga ako ngayon ni Jay. Iyon lang, kaya pasensya na po,” ang paliwanag pa ng aktres sa harap ng media last Saturday night.
Ayon pa kay Aiko, ang role daw niya sa Sandugo ay talagang ginawa ng produksyon para sa kanya kaya nahihiya siya sa ABS-CBN. Pero kailangan niya raw ga-win ito para sa kanyang future husband.
Si Vina Morales daw ang ipinalit sa kanya sa Sandugo, “Kaibigan ko si Vina. Sabi nga ni Vina sa akin, ‘Sis, tanggapin ko yung project na para sa ‘yo?’ Sabi ko, ‘Tanggapin mo dahil maganda iyang project na iyan.’
“But you know, sa buhay ng tao, di ba, there’s always a reason for everything. Maybe hindi talaga para sa akin dahil mas kailangan ako ni Jay ngayon,” sabi pa ni Aiko na napakalaki na ng i-pinayat ngayon.
For the record, sinabi ni Aiko na ang nag-trigger talaga para mag-back out siya sa nasabing teleserye at mag-concentrate muna sa pagtulong sa kampanya ni Jay ay ang pagkakadawit nito sa isyu ng droga.
“Iyong ma-accuse yung taong mahal mo ng isang bagay na alam mong hindi totoo.
Masama man pakinggan pero for him to be tagged as one of the narco politicians, that’s something so unfair.
“Kasi, if there’s one person who knows Jay very well, that should be me. And I’ve seen how he works. Wala akong nakitang illegal, e. Sa telepono niya, wala akong naririnig na may kausap na kaduda-duda.
“Even yung drivers niya, 10 years, 15 years, mga staff niya, puro taon ang binibilang, the most is 20 years. And sila mismo ang nagba-vouch sa credibility ni Jay,” depensa pa ni Aiko sa kanyang politician boyfriend.
Samantala, nilinaw din ni Aiko ang tsismis na engaged na sila ni Mayor Jay dahil sa picture nila na pinost sa social media, “Mayroon kaming calendar na ipapamigay sa buong Zambales.
“So, we wanted that feel na parang ipakita namin yung ganda ng Zambales. So, nag-assume yung tao na parang pre-nup siya,” lahad ng aktres. “I’m not engaged yet. I don’t have a ring.”
Singit naman ni Jay, doon naman nila gustong humantong ni Aiko ang relasyon nila, “Siyempre, oo naman. Ako na ang sasagot niyan. Oo naman. Walang kagatul-gatol kong sasagutin na oo naman.
“Aiko is a very good person. At napakasuwerte ang kahit sinong lalaki makakakita ng katulad,” sey pa ng alkalde na ikinakilig naman siyempre ni Aiko. Hirit niya, “I’m speechless! And despite what’s happening, sa pagbi-bintang kay Jay, positive pa rin ang pananaw namin sa buhay.”
Balitang manalo o ma-talo sa darating na eleksyon, next year na raw balak magpakasal ng dalawa. Botong-boto naman ang dalawang anak ni Aiko na sina Andre at Marthena kay Mayor Jay na tumatayo na rin nilang ama ngayon.
In fairness, nakakabilib ang katapangan ni Aiko at ang ipinakikita niyang pagmamahal at pakikipaglaban para sa kanyang boyfriend. Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagbabanta sa kanilang buhay, patuloy niyang pinaninindigan ang pagmamahal niya kay Mayor Jay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.