Kikitain ng JBK concert ido-donate sa 3 charity org | Bandera

Kikitain ng JBK concert ido-donate sa 3 charity org

- March 25, 2019 - 12:05 AM


HANDANG-HANDA na ang GMA Artist Center millennial trio na JBK na ipagdiwang ang kanilang ikalimang anibersaryo sa industriya sa pamamagitan ng kanilang major solo concert na gaganapin sa Marso 29 sa Music Museum.

Ang Kapuso all-male group nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio ang unang Filipino boyband na lumaban sa international stage ng The X-Factor UK noong 2017.

Ayon sa GMAAC stars, maraming dapat abangan ang fans sa kanilang concert na pinamagatang “Just Be Kind.”

“Dapat nilang abangan yung mga hugot skits namin at kakaibang style ng kantahan,” kwento ni Joshua.

“Kami mismo yung gumawa ng line up namin.You’ll be hearing songs na never namin kinanta sa mga live gigs before such as songs from Queen,” dagdag ni Bryan.

Sumailalim din sa iba’t ibang training ang grupo bilang preparasyon sa concert, “We always review our songs before we end our day. We are currently doing vocal lessons and dance rehearsals para paghandaan yung transition ng bawat kanta,” saad ni Kim.

Makakasama rin nila sa isang gabi ng natatanging performances ang special guests na sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Bradley Holmes, Kakai Bautista at ang cast ng musical play na “Rak of Aegis” kabilang si Nina Espinosa at marami pang iba.

Ang “Just Be Kind” ay sa ilalim ng produksyon ng Winstruck Events Production. For tickets, log on lang kayo sa www.ticketworld.com.ph. Para sa iba pang detalye at katanu-ngan, tumawag lang sa 0917-862-1313.

Ang proceeds ng concert ay mapupunta sa Mabuhay Desert Foundation, YesPinoy Foundation at HERO Foundation, Inc..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending